Tuesday, September 25, 2012
Contentment
26 September 2012
11:04am
May isang kwento na aking narinig tungkol sa isang mayaman na kung saan malapit na syang mamatay at alam nya na kakaunti nalang ang kanyang nalalabing araw dito sa mundo. Nalulungkot sya dahil wala syang kamag anak na malapit sa kanya dahil ito'y kanyang tinatakwil, iniwan narin sya ng kanyang asawa at anak dahil sa kanyang kalupitan. Isa sa mga problema nya bakit nangyari sa buhay nya ito-ay ang kanyang pagmamahal sa pera at kamangmangan sa makamundong bagay.
Ginawa ng matanda ay itinipon nya ang lahat nyang kayamanan, sa kanyang silid. yung mga pera nga na subrang rami ay ginawa ngang higaan. mga ginto at mamahaling mga alahas ay inilagay nya rin sa silid. pati mga documento ng kanyang ari-arian..para makasigurado na wala syang maiiwan, ay pinagbili nya ang kanyang ari-arian sa ibang lugar para ma isalin sa salapi. Sabi ng matanda ito na ang huling araw ko dito sa mundo wawakasang ko nato. Naglagay sya ng mga galon ng gasolina sa bawat kwarto ng bahay at niramihan nya sa silid kung saan nakatago ang kanyang mga salapi.
Ang plano ng matanda ay susunugin nya ang lahat ng kanyang ari-arian kasama sya para walang sino mang makaka angkin nito. Habang kinukuha na nya yung posporo para sindihan ang mitsa. ay mayroon nag doorbell. Sa una ay hindi nya ito pinansin ngunit sa ikatlong beses ay bumaba ito ng bahay para tingnan kung sino. nakita nya ang isang mensahiro sa labas ng gate.
Lumabas ito na galit, at tinatanong kung ano ang kailangan ng mensahiro sa kanya, o nagdadala ng sulat. Ibinigay ng mensahiro ang sulat sa matanda at umalis nalang. Itatapon na sana ng matanda ang sulat ng nabasa nya na galing ito sa bunso nyang anak na babae. Umupo sya sa isang tabi at binuksan ang sulat. Nakita nya sa loob ang isang card, at isang kapirasaong papel. Una nyang binasa ang kapirasong papel na isinulat ng kanyang bunsong anak na nakalagay na hindi na sana ipapadala ang sulat sa kanya kung hindi lang nagpupumilit ang kanyang apo na lalaki.
napaisip ang matanda na may apo na pala sya sa kanyang bunso, binasa ng matanda ang card na nagsasabi.
Dear Lolo,
Sana ok lang u. Lolo kailan mo ako dadalawin, sabi ni nanay isa ka daw pirata, at magaling ka sa dalampasigan, marami ka daw nakukuhang kayamanan. Sana Lolo mabisita mo ako dahil, may sakit ako. Sabi ni nanay dapat di ako lalabas ng bahay. Sana Lolo sama mo ako sa iyung paglalakbay dahil gusto kung makahanap ng kayamanan para mapagamot ako, Naawa na ako kay nanay nag tratrabaho sya sa bukid. Lolo dalaw ka dito para makita kita.
Love you,
Alexander
Habang binabasa ng matanda ang sulat, ay bigla itong natauhan, na hindi nya alam na naghihirap ang kanyang pamilya habang sya ay nilalamon at naging alipin na nang karangyaan. Alexander din ang pangalan ng matanda. Pinangalan pala sa kanya ang kanyang apo.
Ginawa ng matanda ay kinuha ang lahat ng gasolina at inilagay sa malayu sa likuran ng kanilang bahay. Gumawa sya ng sulat sa kanyang asawa, anak, at apo. na sana makapunta sila sa pasko at humihingi ito ng tawad-o ibinubuhos nito ang kanyang saluubin na humihingi ng tawad. Nagdasal ang matanda para sa kanyang kapatawaran at bigyan sana sya ng isa pang pagkakataon na iwasto ang mali na kanyang ginawa, lalo na sa kanyang pamilya. Dahil tatlong araw nalang ay pasko na. Pinadala nya ang sulat, nagpadala din sya ng sulat sa kanyang mga katiwala sa bahay at mga nagtratrabaho sa kanya. Kinaumagahan ay dumating ang mga katiwala nya at trabahador na sya namang kinatuwa nito. Nagtaka ang mga katiwala at trabahador sa kanyang inaasal. Sinasabi lang nya na sya ay bumalik na. Tinatanong nila sya kung saan ba sya nanggaling.
Binigyan nya ng mga pera ang mga katiwala at trabahador na sinasabi nya na gamitin nila ito sa tama. sa una ay ayaw tanggapin ng mga tao dahil sinabi nila na minahal nila sya, matagal na silang nagtratrabaho sa kanya at naging matapat naman itong amo. ngunit nalungkot sila na sa huli ng yumaman na ito ng husto ay ganon din ang pagbabago ng kanyang ugali. Humingi ito ng tawad sa kanila at nag pupumilit na tanggapinsa nila ang pera para kanilang mga anak. Nagsabi ang matanda na magdiwang sila sa araw ng pasko.
Araw na ng pasko at nag ayus ang lahat sa bahay at maraming handaan. galing ang matanda sa puntod ng kanyang mga magulang, pagdating sa bahay ay wala parin ang kanyang pamilya... Mag aalas dusi na ng gabi ngunit wala paring dumating kaya nag pasya nalang itong matulog, tinatanggap nya na na ito ang kanyang kaparusahan sa lahat ng kanyang ginawa. Ng binuksan nya ang kanyang kwarto at binuksan ang ilaw ay nagulat sya na makita ang lahat nyang pamilya asawa nya, anak nya at mga apo, nakilala nya agad si Alexander dahil sa suot nitong pirata. Niyakap nya ang kanyang asawa at humingi ng tawad. Ganon din ang kanyang mga anak at apo. At tinanggap naman ng pamilya nya ito. dahil sa tuwa ng matanda na umiiyak. ay kumanta ito ng Amazing Grace-nakisabay din ang lahat.
Amazing Grace, how sweet the sound,
That saved a wretch like me.
I once was lost but now am found,
Was blind, but now I see.
T'was Grace that taught my heart to fear.
And Grace, my fears relieved.
How precious did that Grace appear
The hour I first believed.
Through many dangers, toils and snares
I have already come;
'Tis Grace that brought me safe thus far
and Grace will lead me home.
The Lord has promised good to me.
His word my hope secures.
He will my shield and portion be,
As long as life endures.
Yea, when this flesh and heart shall fail,
And mortal life shall cease,
I shall possess within the veil,
A life of joy and peace.
When we've been here ten thousand years
Bright shining as the sun.
We've no less days to sing God's praise
Than when we've first begun.
Amazing Grace, how sweet the sound,
That saved a wretch like me.
I once was lost but now am found,
Was blind, but now I see.
Masaya ang lahat sa araw nayun, araw ng Pasko at sinabi ng matanda buhat sa araw nato ang lahat ay dito na titira sa kanyang bahay. Pinatayuan nya rin ng mga bahay ang bawat isang mga anak nito sa kanyang ascienda na magkalapit lang sa kanyang bahay o tinatawag nilang tahanan. Inilaan nya ang ang kanyang buhay sa kanyang asawa, anak, at mga apo na masaya at walang katumbas na ligaya kasama ang Dios.
Maging kuntento tayo sa buhay para maging masaya tayo.
Salamat po sa pagbasa,
Zandiv
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment