Kung ako yung tatanungin kung anong pamumuhay ang gusto ko, isa sa mga isasagot ko ay ang pamumuhay sa Zion, naka sentro sa pagmamahal ng Maykapal. Naalala ko minsan nasa isang lugar ako, nakaupo, nakatingin sa kalangitan sumagi sa isip ko ang isang katanungan na aking tinanong sa aking sarili na kung gaano kaya kaganda ang lugar sa langit, may mga puno kaya doon, mga hayop? Hindi ko man masasagot lahat pero ang alam ko na ang langit ay isang paraiso. Ang salitang paraiso ay isang lugar na ninanais ng karamihan na puntahan, naisip korin kung pweding magkaroon ng paraiso dito sa mundo. Ang katanungang ito ay tumatak sa aking puso't isipan na posibling magkaroon ng paraiso dito sa mundo, nasa puso't isipan yun ng bawat isang nabubuhay, kung nanaisin ng isang tao na hangarin ang Zion ay makakamit nya ito-kailangan lng na sundin nya ang kautusan ng panginoon-ang Zion ay isang lugar na kung saan namumuhay ang mga membro o disipolo ng Panginoong Hesus na nagkakaisa sa puso at isipan.
Lugar ng kapayapaan, pagmamahal, pagmamalasakit sa isa't isa, sa Zion walang mahirap o mayaman lahat pantay-pantay. Aking naalalala ng pumunta ako sa mindanao binisita ang aking mga kaanak doon, sa buss, may mga taong tumulung sa akin sa pag dala ng luggage ko-inisip ko na malapit lang naman 10 feet papuntang buss, ayos lang na bigyan ko sya ng 20pesos para makatulong, sa katutuhanang kaya kung buhatin ang bag. Ngunit ng makarating na sa buss, ay tatlo na silang humihingi at tila may balak pa silang masama. natakot naman ako kasi bago lang ako sa lugar nayun. Pumasok nalang ako sa loob ng buss, at sa kabutihang palad may isang matanda na tumulong sa akin at sinabihan nya yung tatlo na yun lang ang pera na ibibigay nya, tila pinapakita nya na magkaanak daw kami.
Sabi ng matatanda noon pag dumaan ka sa kalye kung gabi ay walang gagawa sayo ng masama, pero ngayun hindi na daw, kasi kung di' gamit ang kukunin-buhay naman. Isa sa mga kalukuhan ng makamundong pagiisip at pamumuhay ay ginagawa nilang mali ang tama, pwede ang di pwedi, at makukuha ang lahat sa madaling paraan hindi na kailangan magpawis o mag sakripisyo. Sakaguluhang ito ay may roon din kabutihan an sumisibol-Ang mga nanampalataya sa Dios, at naniniwala na Buhay ang ating Panginoong Hesus at dahil buhay Sya, may roong pag-asa ang lahat.
Ang hamon ng ating Dios, kaninong panig tayo? pero sa akin at sa aking kamag-anak, sa panig kami ng Dios, panig ni Hesus. May nagaganap na laban sa mundong ito nagsimula pa sa panahon ni Adan at Eve. Ang labanan sa Kabutihan at kasaman.
Ang bahay kubo ay simbolo ng simplicity, love, and respect. Bahay kubo man tawag ng iba, sa amin ito'y tahanan. Masaya kami na namumuhay. Makakain kami tatlong beses isang araw, may snaks na kamote, at mga prutas galing sa bakuran namin, masaya kami na namumuhay at mapayapa kasama ang Panginoon sa Zion.
No comments:
Post a Comment