Bukas mag post ako ng picture ng Sewing Machine na aking ni repair, na kumpleto na...magtatahi ako ng cover sa unan at kumot sana. ito pala ang pictures ng AURURA di ko alam if saan gawa ito.
Basta ang alam ko bininta ito ng mananahi noon sa lolo ng wife ko, eh nag ka interest naman ako sa pananahi, tinanong ko ang wife ko if sino ang may roong sewing machine...at sinabi ng wife ko na ang lolo at lola nya mayroon, tinanong ng wife ko if binininta nila kaya binili ko...pinalitan ko ang cover sa pantaas yung kahoy makikita nyo sa picture, kanina ko lang pinapinturahan.
tapos I paint din ang sewing machine, pinaayus sa mikaniko ang mga sira.
kaya ito yung parang libangan ko. Isa sa mga natutunan ko dito kapag nananahi nako, nakakaramdam ako ng simplicity, satisfaction, contentment-peace of mind. kais yung isip na di divert sa aking ginagawa, na hindi ko iniisip ang mga concern ko sa buhay kundi habang nananahi ako nakakarelax ako and doon pumapasok ang mga ideas o solution.
No comments:
Post a Comment